Numbers 14:43
Nandoon ang mga Amalekita at mga Cananeo at mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada dahil tumalikod kayo mula sa pagsunod kay Yahweh. Kaya hindi niya kayo sasamahan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:29Naroon ang mga tahanan ng mga Hiteo, Jebuseo, at mga Amoreo sa burol na lugar. Naninirahan ang mga Cananeo malapit sa dagat at sa tabi ng Ilog Jordan.”
Deuteronomy 28:25Si Yahweh ang magdudulot na pabagsakin kayo sa harapan ng inyong mga kaaway; lalabas kayo sa isang daanan laban sa kanila, at tatakas sa pitong mga daanan sa harapan nila. Pagpapasa-pasahan kayo doon at saanman sa lahat ng kaharian ng mundo.
Joshua 22:15Dumating sila sa mga tao ng Ruben, Gad, at ng kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad, at nagsalita sila sa kanila:
1 Chronicles 28:9At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
Psalms 44:10Pinaatras mo kami mula sa aming kalaban; at ang mga napopoot sa amin ay kinamkam ang yaman para sa kanilang mga sarili.
Hosea 9:12Bagama't nagkaroon sila ng mga anak, kukunin ko sila upang wala ng matira sa kanila. Kahabag-habag sila kapag tumalikod ako sa kanila!