Numbers 16:19
Tinipon ni Korah ang buong sambayanan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa buong sambayanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20At nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron:
Cross References
Exodus 16:7Sa umaga ay makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Yahweh, dahil naririnig niya ang inyong pagrereklamo laban sa kaniya. Sino ba kami para kayo ay magreklamo laban sa amin?”
Leviticus 9:6Pagkatapos sinabi ni Moises, “Ito ang iniutos ni Yahweh na inyong gawin, para maihayag sa inyo ang kaniyang kaluwaltian.”
Numbers 12:5Pagkatapos, bumaba si Yahweh sa isang haligi ng ulap. Tumayo siya sa pasukan ng tolda at tinawag sina Aaron at Miriam. Kapwa sila lumapit.
Numbers 16:1Ngayon si Korah na anak na lalaki ni Izar na anak na lalaki ni Kohat na anak na lalaki ni Levi, kasama ni Datan at Abiram na mga anak na lalaki ni Eliab, at si On na anak na lalaki ni Pelet, ang mga kaapu-apuan ni Ruben ay tinipon ng ilang kalalakihan.
Numbers 20:6Kaya umalis sina Moises at Aaron mula sa harap ng kapulungan. Pumunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at nagpatirapa. Doon nagpakita ang makinang na kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila.