Numbers 16:33
Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 9:15Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila; nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila.
Psalms 55:23Pero ikaw, O Diyos, ay dadalhin sa hukay ng pagkawasak ang masama; ang mga uhaw sa dugo at mandaraya ay hindi mabubuhay kahit kalahati ng buhay ng iba, pero ako ay sa iyo magtitiwala.
Psalms 143:7Yahweh, sumagot ka agad sa akin dahil ang aking espiritu ay nanghihina. Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin, o ako ay magiging gaya ng mga bumaba sa hukay.
Isaiah 14:15Pero ngayon nadala ka dito pababa sa Sheol, sa ilalim ng hukay.
Ezekiel 32:30Ang mga prinsipe ng hilaga ay naroon—silang lahat at lahat ng mga taga-Sidon na bumaba kasama ang mga patay! Makapangyarihan sila at nagagawang takutin ang iba, ngunit ngayon nakahiga sila roon na kahiyahiya, sa mga hindi tuli kasama ang mga pinatay sa pamamagitan ng espada. Dala-dala nila ang kanilang sariling kahihiyan, kasama ang mga iba pang bumababa sa hukay.