Numbers 17:3
Dapat mong isulat ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi. Kailangang may isang tungkod para sa bawat pinuno mula sa lipi ng kaniyang mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:16Narito ang naitalang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. Sila ay sina Gerson, Kohath, at Merari. Nabuhay si Levi hanggang siya ay 137 taong gulang.
Numbers 3:2Ang mga pangalan ng mga Anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab ang panganay, at Abihu, Eleazar, at Itamar.
Numbers 18:7Subalit ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaki ang maaaring gumanap ng pagkapari tungkol sa bawat bagay na may kaugnayan sa altar at sa bawat bagay na nasa loob ng kurtina. Ikaw mismo ang dapat gumawa sa mga tungkuling iyon. Ibinibigay ko sa iyo ang pagkapari bilang isang regalo. Bawat dayuhan na lalapit ay dapat malagay sa kamatayan.”
Jeremiah 42:20Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.