Numbers 18:23
Dapat gawin ng mga Levita ang mga gawain na may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong. Sila ang may pananagutan para sa anumang kasalanan tungkol dito. Ito ang magiging isang palagiang batas sa lahat ng salinlahi ng iyong mga tao. At hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 3:7Dapat nilang isagawa ang tungkulin sa pangalan ni Aaron at ang buong sambayanan sa harap ng tolda ng pagpupulong. Dapat silang maglingkod sa tabernakulo.
Numbers 18:20Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel.
Numbers 26:62Ang mga lalaking nabilang sa nila ay may bilang na 23, 000, lahat ng mga lalaking isang buwang gulang pataas. Ngunit hindi sila kabilang sa mga kaapu-apuhan ng Israel sapagkat walang pamana na ibinigay sa kanila ng mga tao ng Israel.
Deuteronomy 10:9Kaya walang bahagi si Levi ni pamanang lupain kasama ang kaniyang mga kapatid na lalaki; si Yahweh ang kaniyang pamana, gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh na inyong Diyos.)