Numbers 19:3
Ibigay ninyo ang dumalagang baka kay Eleazar na pari. Dapat niyang dalhin ito sa labas ng kampo, at dapat patayin ito ng isang tao sa kaniyang harapan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 4:12ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
Leviticus 13:45Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
Leviticus 24:14“Dalhin sa labas ng kampo ang taong nilait ang Diyos. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay dapat ipatong ang kanilang kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.
Numbers 5:2“Utusan mo ang mga tao ng Israel na paalisin mula sa kampo ang lahat ng may nakakahawang sakit sa balat, at lahat ng may tumutulong sugat, at ang sinumang marumi sa pamamagitan ng paghawak ng isang patay na katawan.
Hebrews 13:11Sapagkat ang dugo ng mga hayop, na inialay para sa ating mga kaslanan, ay dadalhin ng pinaka-punong pari sa banal na lugar, ngunit ang kanilang katawan ay susunugin sa labas ng kampo