Numbers 2:34
Ginawa ng mga Israelita ang lahat ng bagay na ipinag-utos ni Yahweh kay Moises. Nagkampo sila sa tabi ng kanilang mga bandila. Lumabas sila mula sa kampo ayon sa kanilang mga angkan, batay sa pagkakasunod ng mga angkan nga kanilang mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 1:19Pagkatapos, itinala ni Moises ang kanilang mga bilang sa ilang ng Sinai, gaya ng inuutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
Numbers 2:2“Ang bawat kaapu-apuhan ng mga Israelita ay dapat magkampo sa palibot ng bandila ng kaniyang armadong grupong nabibilang sa hukbo at sa palibot ng pinakamaliit na watawat na palatandaan sa kaniyang tribu. Ang kanilang mga kampo ay dapat nakaharap sa tolda ng pagpupulong.
Numbers 10:28Ito ang paraan ng mga hukbo ng mga tao ng Israel sa paghayo sa kanilang paglalakbay.
Numbers 23:21Wala siyang nakikitang paghihirap kay Jacob o kaguluhan sa Israel. Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos, at sumisigaw sapagkat kasama nila ang kanilang hari.
Numbers 24:5Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel!
Luke 1:6Kapwa sila matuwid sa harapan ng Diyos; sila ay namuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at alituntunin ng Panginoon.