Numbers 21:24
Sinalakay ng Israel ang hukbo ni Sihon sa pamamagitan ng talim ng espada at kinuha nila ang lupain mula sa Arnon patungong ilog ng Jabok, hanggang sa lupain ng mga tao ng Ammon. Ngayon ay pinatibay ang hangganan ng mga tao ng Ammon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 21:13Mula roon naglakbay sila at nagkampo sa kabilang bahagi ng Ilog Arnon, na nasa ilang na lpatungo sa hangganan ng mga Amoreo. Ang Ilog Arnon ang nagsisilbing hangganan ng Moab, sa pagitan ng Moab at ng mga Amoreo.
Numbers 32:4ang mga lupaing sinalakay ni Yahweh sa harap ng mamamayan ng Israel ay magandang mga lugar para sa mga alagang hayop. Kaming mga lingkod mo ay may maraming alagang hayop.”
Deuteronomy 1:4Ito ay matapos lusubin ni Yahweh si Sihon na hari ng mga Amoreo, na nakatira sa Hesbon at Og na hari ng Bashan, na nakatira sa Astarot at Edrei.
Deuteronomy 2:33Si Yahweh na ating Diyos ay ibinigay siya sa atin at tinalo natin siya; hinampas natin siya hanggang sa mamatay, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang mamamayan.
Deuteronomy 4:46nang sila ay nasa silangan ng Jordan, sa lambak sa kabila ng Beth Peor, sa lupain ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na nanirahan sa Hesbon, na tinalo ni Moises at ng mga Israelita nang sila ay lumabas sa Ehipto.
Deuteronomy 31:4Gagawin ni Yahweh sa kanila kung ano kay Sihon at Og, sa mga hari ng Amoreo, at sa kanilang lupain, kung saan kaniyang winasak.