Numbers 21:35
Kaya pinatay nila siya, ang kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng kaniyang hukbo, hanggang walang natirang buhay sa kaniyang mga tao. Pagkatapos, kinuha nila ang kaniyang lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:3Kaya binigyan din tayo ni Yahweh na ating Diyos ng tagumpay laban kay Og, at ang hari ng Bashan, at inilagay ang lahat ng kaniyang mga tao sa ilalim ng ating pangangasiwa. At pinatay natin siya hanggang walang ni isa sa mga tao niya ang natira.
Deuteronomy 4:47Kinuha nila ang kaniyang lupain bilang isang pag-aari, at ang lupain ni Og hari ng Bashan— ang mga ito, ang dalawang hari sa mga Amoreo, na nasa lampas ng Jordan patungong silangan.
Deuteronomy 31:4Gagawin ni Yahweh sa kanila kung ano kay Sihon at Og, sa mga hari ng Amoreo, at sa kanilang lupain, kung saan kaniyang winasak.
Joshua 13:12ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
Psalms 135:10Maraming bansa ang nilusob niya at pinatay ang malalakas na hari,
Psalms 136:17siya na nagpapatay sa mga dakilang hari, dahil ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman—