Numbers 22:32
Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:2Doon ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya sa isang nagliliyab na apoy sa mababang puno. Tumingin si Moises at nakita na nagliliyab ang puno pero ito ay hindi nasusunog.
Numbers 22:22Ngunit dahil sumama siya, ang galit ni Yahweh ay sumiklab. Inilagay ng anghel ni Yahweh ang kaniyang sarili sa daanan bilang isang taong hadlang kay Balaam, na nakasakay sa kaniyang asno. Ang dalawang alipin ni Balaam ay kasama din niya.
Numbers 22:35Ngunit sinabi ng anghel ni Yahweh kay Balaam, “Magpatuloy ka kasama ng mga lalaki. Ngunit dapat sabihin mo lamang ang mga salita na sinabi ko sa iyo.” Kaya sumama si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
Deuteronomy 25:4Hindi dapat ninyo busalan ang lalaking baka kapag siya ay naggigiik ng butil.
Psalms 145:9Si Yahweh ay mabuti sa lahat, ang kaniyang mapagmahal na awa ay nasa kaniyang mga gawa.
Proverbs 14:2Ang lumalakad ng matuwid ay may takot kay Yahweh, ngunit ang hindi tapat sa kaniyang pamumuhay ay hinahamak siya.