Numbers 22:6
Kaya pakiusap pumunta ka na ngayon at isumpa ang bayang ito para sa akin, dahil sila ay napakalakas para sa akin. Marahil kung gayon, maaari ko na silang salakayin at palayasin palabas sa lupain. Alam ko na ang sinumang pinagpapala mo ay pagpapalain, at ang sinumang isusumpa mo ay susumpain.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 12:3Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.”
Numbers 22:12Tumugon ang Diyos kay Balaam, “Hindi ka dapat sumama sa mga lalaking iyon. Hindi mo dapat isumpa ang mga tao ng Israel dahil pinagpala sila.”
Numbers 23:7At nagsimulang sabihin ni Balaam ang kaniyang propesiya at sinabi, “Dinala ako ni Balak mula sa Aram. Ang hari ng Moab mula sa mga bundok sa silangan. 'Halika, isumpa mo si Jacob para sa akin,' sinabi niya. 'Halika, labanan mo ang Israel.'
Numbers 23:27Kaya sumagot si Balak kay Balaam, “Pumarito ka ngayon, dadalhin kita sa ibang lugar. Marahil makakalugod ito sa Diyos para isumpa mo sila roon para sa akin.”
Deuteronomy 23:4Ito ay dahil hindi nila kayo sinalubong ng may tinapay at tubig sa daan, noong kayo ay lumabas sa Ehipto, at dahil inupahan nila laban sa inyo si Balaam ang anak na lalaki ni Beor mula Petor sa Aram Naharaim, para sumpain kayo.
1 Samuel 17:43Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, “Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?” At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.