Numbers 25:13
Para sa kaniya at sa kaniyang mga kaapu-apuhang kasunod niya, ito ang magiging isang kasunduan ng isang walang hanggang pagkapari dahil masigasig siya para sa akin, na kaniyang Diyos. Nagbayad siya ng kasalanan para sa mga tao ng Israel.”''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:30Kinabukasan sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng isang dakilang kasalanan. Ngayon aakyat ako kay Yahweh. Marahil maari akong gumawa ng pambayad sa inyong pagkakasala.”
Leviticus 15:15Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
Numbers 17:12Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat!
1 Samuel 2:30Sapagka't si Yahweh, ang Diyos ng Israel, nagsasabing, 'Nangako ako na ang inyong bahay, at ang bahay ng inyong ninuno, ay lalakad sa harap ko magpakailanman.' Ngunit ngayon sinasabi ni Yahweh, 'Malayong gawin ko ito, sapagka't pararangalan ko yaong nagpaparangal sa akin, ngunit yaong mga humahamak sa akin ay hindi papahalagahan.
1 Kings 2:27Kaya inalis ni Solomon si Abiatar mula sa pagiging pari ni Yahweh, para matupad niya ang salita ni Yahweh, na sinabi niya tungkol sa sambahayan ni Eli sa Silo.
1 Kings 19:14Sumagot si Elias, “Naging napakamasigasig ako para sa iyo Yahweh, Diyos ng mga hukbo, dahil ang bayan ng Israel ay tinalikuran ang iyong tipan, sinira ang iyong mga altar, at pinatay ang iyong mga propeta sa pamamagitan ng espada. Ngayon mag-isa nalang akong natira at gusto nilang akong patayin.”