Numbers 25:2
sapagkat inaanyayahan ng mga Moabita ang mga tao sa mga pag-aalay sa kanilang mga diyos. Kaya kumain at yumukod ang mga tao sa mga diyos ng Moabita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Nanatili ang Israel sa Sitim, at nagsimulang makipagtalik ang mga lalaki sa mga babae ng Moab,
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
Exodus 34:15Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
Joshua 22:17Hindi pa ba sapat ang kasalanan natin sa Peor? Gayunman hindi pa nga natin nalinisan ang ating mga sarili mula rito. Dahil sa kasalanan na iyon dumating ang isang salot sa kapulungan ni Yahweh.
Joshua 23:16Gagawin niya ito kung sisirain ninyo ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na iniutos niya sa inyo para sundin. Kung pupunta kayo at sasamba sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila, sa gayon mag-aalab ang galit ni Yahweh laban sa inyo, at mabilis kayong mamamatay mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.”
1 Kings 19:18Pero mag-iiwan ako para sa aking sarili ng pitong libong mamamayan ng Israel, na ang mga tuhod ay hindi pa lumuluhod kay Baal, at ang mga bibig ay hindi pa humahalik sa kaniya.”
Hosea 9:10Sinasabi ni Yahweh, “Nang natagpuan ko ang Israel, tulad ito ng paghahanap ng mga ubas sa ilang. Tulad ng unang bunga sa panahon ng puno ng igos, natagpuan ko ang inyong mga ama. Ngunit nagpunta sila kay Baal Peor, at ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa kahiya-hiyang diyus-diyosang iyon. Naging kasuklam-suklam sila tulad ng diyus-diyosan na kanilang inibig.