Numbers 25:6
Pagkatapos, dumating ang isa sa mga lalaki ng Israel at dinala sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang isang babaeng Midianita. Nangyari ito sa paningin ni Moises at sa lahat ng sambayanan ng Israel, habang umiiyak sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..
Numbers 25:14Ngayon ang pangalan ng lalaking Israelitang napatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, isang pinuno ng isang pamilya mula sa ninuno ng mga Simeonita.
Numbers 31:9Binihag ng hukbo ng Israel ang mga kababaihan ng Midian, kasama ang kanilang mga anak, lahat ng baka, lahat ng kawan, at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kinuha nila ang mga ito bilang pandarambong.
Judges 2:4Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
Ezra 9:1“Nang matapos na ang mga bagay na ito, nilapitan ako ng mga opisyal at sinabi, 'Hindi pa inihihiwalay ng mga tao ng Israel, mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili mula sa mga bayan ng iba pang lupain at sa mga karumal-dumal na gawain: sa mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Jebuseo, mga Amonita, mga Moabita, mga taga-Ehipto at mga Amoreo.
Ezra 10:6At tumayo si Ezra mula sa harap ng bahay ng Diyos at pumunta sa mga silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Hindi siya kumain ng anumang tinapay at uminom ng anumang tubig, yamang siya ay nagluluksa tungkol sa kawalan ng pananampalataya ng mga nanggaling sa pagkakabihag.