Numbers 26:20
Ito ang mga angkan ng ibang mga kaapu-apuhan ni Juda: kay Sela, ang angkan ng mga Selanita, kay Perez, ang angkan ng mga Perezita, at kay Zera, ang angkan ng mga Zeraita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:11Pagkatapos sinabi ni Juda kay Tamar, na kanyang manugang, “Manatili kang biyuda sa bahay ng iyong ama hanggang sa lumaki si Selah na aking anak.” Dahil sa isip niya, “Baka mamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid.” Umalis si Tamar at nanirahan sa bahay ng kanyang ama.
Genesis 38:26Nakilala ni Juda ang mga ito at sinabi, “Siya ay mas matuwid kaysa sa akin, dahil hindi ko siya ibinigay bilang isang asawa kay Selah, na aking anak na lalaki.” Siya ay hindi na muling sumiping sa kanya.
Ruth 4:18Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Fares: si Fares ang naging ama ni Hezron,
1 Chronicles 4:21Ang mga anak ni Sela, na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Leca, si Laada na ama ni Maresa at siyang pinagmulan ng mga angkan ng mga gumagawa ng lino sa Beth-asbea,
Nehemiah 11:4Nanirahan sa Jerusalem ang ilan sa mga kaapu-apuhan ni Juda at ilan sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Ang mga mamamayan mula sa Juda kasama: si Ataias na anak ni Uzias na anak ni Zacarias na anak ni Amarias na anak ni Sefatias na anak ni Mahalael, na kaapu-apuhan ni Peres.
Nehemiah 11:24At si Petahias na anak ni Mesezabel, mula sa kaapu-apuhan ni Zera na anak ni Juda, ay palaging nasa tabi ng hari sa lahat ng usapin tungkol sa mga tao.