Numbers 28:11
Sa simula ng bawat buwan, dapat kayong mag-alay ng isang handog na susunugin kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang tupang lalaki, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
Numbers 15:3at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
1 Samuel 20:5Sinabi ni David kay Jonatan, “Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
1 Chronicles 23:31at sa tuwing iniaalay ang mga handog na susunugin kay Yahweh, sa Araw ng Pamamahinga at sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga araw ng pista. Ang saktong bilang na itinakda sa pamamagitan ng kautusan, ay kailangan na laging nasa harap ni Yahweh.
2 Chronicles 2:4Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.
Nehemiah 10:33na magkaloob ng tinapay sa kaniyang presensiya, at para sa karaniwang handog na butil, ng mga sinusunog na handog sa mga Araw ng Pamamahinga, para sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga tinakdang kapistahan, at para sa banal na mga handog, at para sa mga handog sa kasalanan para mabayaran ang kasalanan ng Israel, gayundin sa lahat ng gawain sa tahanan ng ating Diyos.