Numbers 28:15
Isang lalaking kambing bilang isang alay para sa kasalanan ang dapat ihandog kay Yahweh. Magiging karagdagan ito sa karaniwang alay na susunugin at ang inuming handog na kasama nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan, dumadating ang Paskua ni Yahweh.
Cross References
Leviticus 4:23pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.
Leviticus 16:16Dapat gumawa siya ng pambayad kasalanan para sa banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
Numbers 28:3Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
Numbers 28:22at isang lalaking kambing bilang alay para sa kasalanan upang maging pambayad sa kasalanan para sa inyong sarili.
Numbers 29:5At dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing para sa handog ng pambayad ng inyong sariling kasalanan.
Romans 8:3Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman.