Numbers 28:19
Gayunman, dapat kayong mag-alay ng isang handog na ipinaraan sa apoy, isang alay na susunugin para kay Yahweh. Dapat kayong mag-alay ng dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong lalaking tupa na isang taong gulang, na walang kapintasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 1:3Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
Numbers 28:31Kapag mag-aalay kayo ng ganitong mga hayop na walang kapintasan, kasama ng kanilang inuming handog, dapat itong maging karagdagan sa karaniwang alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito.”
Deuteronomy 15:21Kung ito ay may anumang kapintasan—halimbawa, kung ito ay pilay o bulag, o mayroon kahit anong kapintasan—hindi ninyo dapat ito ialay kay Yahweh na inyong Diyos.
2 Chronicles 35:12Inalis nila ang mga handog na susunugin upang ibigay ito sa mga pangkat ng mga sambahayan ng mga tao, upang ihandog ang mga ito kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga toro.
Malachi 1:13Sinabi rin ninyo, 'Nakakapagod na ito,' at pasinghal ninyo itong hinamak,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Dinadala ninyo kung ano ang kinuha ng isang mabangis na hayop o ang pilay o may sakit; at dinala ninyo ito bilang inyong mga handog! Dapat ko ba itong tanggapin mula sa inyong kamay?” sabi ni Yahweh.