Numbers 28:6
Ito ay karaniwang alay na susunugin na inutos sa Bundok Sinai upang magbigay ng isang matamis na halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:38Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
Leviticus 6:9“Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
2 Chronicles 2:4Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.
Ezra 3:4Pinagdiriwang din nila ang Pista ng mga Tolda ayon sa nasusulat, at nag-alay sila ng mga handog na susunugin sa bawat araw alinsunod sa kautusan, ang gawain ng bawat isa sa bawat araw.
Ezekiel 46:14At magbibigay kayo ng isang handog na butil kasama nito tuwing umaga, ikaanim na bahagi ng isang efa at ikatlong hin ng langis upang basain ang harina ng handog na butil para kay Yahweh, ayon sa panuntunang hindi maaaring baguhin.