Numbers 29:1
“Sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, dapat magkaroon kayo ng isang banal na pagpupulong upang parangalan si Yahweh. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon. Ito ay magiging isang araw kung kailan hihipan ninyo ang mga trumpeta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 23:7Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
Leviticus 23:24“Kausapin ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sa ikapitong buwan, ang unang araw ng buwan na iyon magiging isang mataimtim na pahinga para sa inyo, isang alaala sa pamamagitan ng pag-ihip ng mga trumpeta, at isang banal na pagpupulong.
Numbers 29:35Sa ikawalong araw dapat magkaroon kayo ng isa pang mataimtim na pagpupulong. Hindi kayo dapat gumawa ng karaniwang gawain sa araw na iyon.
Ezra 3:6Sila ay nagsimulang mag-alay ng handog na susunugin kay Yahweh sa unang araw ng ikapitong buwan, kahit na ang templo ay hindi pa naitatatag.
Nehemiah 8:2Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.
Psalms 89:15Mapalad ang mga sumasamba sa iyo! Yahweh, lumalakad sila sa liwanag ng iyong mukha.