Numbers 32:19
Hindi namin mamanahin ang lupain kasama nila sa ibang panig ng Jordan, dahil ang aming mana ay narito sa dakonhg silangan ng Jordan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:10Kaya tumingin si Lot sa paligid at nakitang sagana sa tubig ang buong kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar, katulad ng hardin ni Yahweh, katulad ng lupain sa Ehipto. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah.
Numbers 32:32Kami ay tatawid na nakasandata sa harap ni Yahweh sa lupain ng Canaan, ngunit mananatili sa amin ang aming inangking mana sa bahaging ito ng Jordan.”
Joshua 1:14Mananatili sa lupaing ibinigay sa inyo ni Moises sa kabila ng Jordan ang inyong mga asawa, inyong mga maliliit, at ang inyong mga alagang hayop. Pero ang inyong mga mandirigma ay tatawid kasama ng inyong mga kapatid na lalaki at tutulungan sila
Joshua 13:8Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
2 Kings 15:29Sa mga panahon na si Peka ay hari ng Israel, si Tiglat Pileser hari ng Asiria ay dumating at sinakop ang Ijon, Abelbetmaaca, Janoas, Kades, Hazor, Galaad, Galilee, at lahat ng lupain ng Naftali. Tinangay niya ang mga mamamayan sa Asiria.
Proverbs 20:21Ang isang mana na madaling nakamit sa simula ay gagawa ng mas kaunting kabutihan sa bandang huli.