Numbers 32:29
Sinabi ni Moises sa kanila, “Kung ang mga kaapu-apuhan ni Gad at Ruben ay tatawid sa Jordan kasama ninyo, bawat lalaking armado upang makipaglaban sa harapan ni Yahweh, at kung ang lupain ay nilupig sa harap ninyo, ibibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Galaad bilang isang ari-arian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 32:17Gayunman, kami mismo ay magiging handa at nakasandatang sasama sa hukbo ng Israel hanggang sa mapangunahan namin sila sa kanilang lugar. Ngunit maninirahan ang aming mga pamilya sa mga pinagtibay na lungsod dahil sa ibang mga taong nananatili pa ring nakatira sa lupaing ito.
Joshua 14:3Dahil ibinigay ni Moises ang pamana sa dalawa at kalahating mga lipi sa ibayong Jordan, pero sa mga Levita, wala siyang pamana.
Joshua 22:9Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Ruben, ang mga kaapu-apuhan ni Gad, at ang kalahati ng lipi ni Manases ay bumalik sa tahanan, na iniwan ang bayan ng Israel sa Silo, na nasa lupain ng Canaan. Umalis sila para magtungo sa rehiyon ng Galaad, sa sarili nilang lupain, na sila mismo ang nagmamay-ari, alinsunod sa kautusan ni Yahweh, sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
1 Samuel 18:17Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh.” Sapagkat inisip ni Saul, “Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo.”