Numbers 35:30
Kung sinuman ang pumatay ng sinumang tao, dapat patayin ang mamamatay-tao, ayon sa patotoo sa pamamagitan ng mga salita ng mga saksi. Ngunit ang salita ng isang saksi lamang ay hindi magdudulot sa sinumang tao upang patayin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 35:16Subalit kung hinampas ng isang akusadong tao ang kaniyang biktima gamit ang isang kasangkapang bakal, at kung mamamatay ang kaniyang biktima, ang akusado ay tunay ngang isang mamamatay-tao. Dapat tiyakin siyang patayin.
Deuteronomy 19:15Hindi dapat mangibabaw laban sa isang tao ang isang tanging saksi para sa anumang kasalan, sa anumang bagay siya nagkasala; sa bibig ng dalawang saksi, o sa bibig ng tatlong saksi, dapat mapatunayan ang anumang bagay.
John 7:51“Ang ating batas ba ay humahatol sa isang tao nang hindi muna marinig siya at nabatid kung ano ang kaniyang ginagawa?”
2 Corinthians 13:1Ito na ang pangatlong pagkakataon na ako ay pupunta sa inyo. “Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin ng patotoo ng dalawa o tatlong saksi.”
Hebrews 10:28Sinuman na lumabag sa kautusan ni Moises ay mamamatay ng walang awa sa patunay ng dalawa o tatlong saksi.