Numbers 35:6
Anim sa mga lungsod na iyong ibibigay sa mga Levita ay dapat magsilbing mga lungsod ng kanlungan. Dapat mong ilaan ang mga ito bilang mga lugar na maaaring matakasan ng mga akusadong mamamatay-tao. Maglaan ka rin ng ibang apatnapu't dalawang lungsod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 35:13Dapat kayong pumili ng anim na lungsod bilang mga lungsod ng kublihan.
Joshua 20:2“Sabihin mo sa bayan ng Israel, na sinasabing, 'Pumili ng mga lungsod ng kanlungan na sinabi ko sa inyo sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
Joshua 21:13Ibinigay nila ang Hebron sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari kasama ang mga lupang pastulan nito—na isang kanlungang lungsod para sa sinuman na nakapatay sa iba ng hindi sinasadya—at Libna kasama ang mga lupang pastulan nito,
Joshua 21:27Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
Joshua 21:36Ibinigay sa mga angkan ni Merari mula sa lipi ni Ruben: Bezer kasama ang mga lupang pastulan nito, Jahaz kasama ang mga lupang pastulan nito,
Psalms 9:9Magiging matibay na tanggulan din si Yahweh para sa mga inaapi, isang matibay na tanggulan sa panahon ng kaguluhan.