Numbers 5:18
Dapat iharap ng pari ang babae kay Yahweh. Dapat alisin ng babae ang takip ng kaniyang ulo at alisin ang tali ng kaniyang buhok. Dapat ilagay ng pari sa kaniyang mga kamay ang handog na butil bilang isang pahiwatig. Ito ang handog na butil ng pagseselos. Dapat hawakan ng pari sa kaniyang kamay ang mapait na tubig na may alikabok na magdadala ng isang sumpa sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 5:15Sa ganitong mga kalagayan, dapat dalhin ng lalaki ang kaniyang asawa sa pari. Dapat magdala ng isang inuming handog ang asawang lalaki para sa kaniyang asawa. Dapat magdala siya ng isang ikasampu ng isang epa ng sebadang harina. Dapat hindi niya ito buhusan ng langis o kamanyang dahil ito ay isang handog na butil ng pagseselos, isang handog na butil na maaaring tagaturo ng kasalanan.
Numbers 5:22Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay pupunta sa iyong tiyan, mamaga ang iyong tiyan, at mabubulok ang iyong mga hita.” Isasagot dapat ng babae, “Oo, mangyari nawa ito kung ako ay nagkasala.”
Deuteronomy 29:18kung kaya't marapat na wala sinumang sa inyo, lalaki, babae, pamilya, o lipi na ang puso ay tatalikod ngayon mula kay Yahweh na ating Diyos, para sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bansang iyon—kung kaya't marapat na wala sa inyo ang anumang ugat na nagbubunga ng apdo at halamang mapait,
Proverbs 5:4pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
Isaiah 38:17Ito ay sa kabutihan ko na naranasan ko ang ganoong kalungkutan. Niligtas mo ako sa hukay ng pagkawasak; dahil tinapon mo lahat ng aking kasalanan sa iyong likuran.
1 Corinthians 11:6Sapagkat kung hindi magtatakip ng kaniyang ulo ang babae, dapat niyang gupitan ang kaniyang buhok ng maiksi. Kung kahihiyan ito sa isang babae na magpagupit ng maiksi o magpaahit ng kaniyang ulo, takpan niya ang kaniyang ulo.