Numbers 5:21
Dapat panumpain ng pari ang babae ng isang panunumpa na magdadala ng isang sumpa sa kaniya, at pagkatapos, dapat siyang patuloy na kausapin ang babae,”... at gagawin kang isang isinumpa ni Yahweh na ipapakita sa iyong mga tao na maging ganoon. Mangyayari ito kung pahihintulutan ni Yahweh ang iyong hita na mabulok at mamaga ang iyong tiyan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 14:24Sa araw na iyon ang kalalakihan ng Israel ay nabalisa dahil inilagay ni Saul ang mga tao sa ilalim ng isang panunumpa at sinabi, “Susumpain ang taong kakain ng anumang pagkain hanggang gabi at naipaghiganti ako sa aking mga kaaway.” Kaya wala sa mga hukbo ang tumikim ng pagkain.
Nehemiah 10:29sumama sila kasama ng kanilang mga kapatid, mga maharlika, at tinali nila ang kanilang mga sarili sa isang sumpaan at pangako na lalakad sa batas ng Diyos, na ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang lingkod ng Diyos, at sisiyasatin at susunod sa lahat ng mga kautusan ni Yahweh na ating Panginoon at sa kaniyang utos at alintuntunin.
Isaiah 65:15Iiwanan ninyo ang inyong pangalan para maging isang sumpa para sa aking mga pinili; ako, ang Panginoon na si Yahweh, ang papatay sa inyo; tatawagin ko ng ibang pangalan ang aking mga lingkod.
Matthew 26:74Pagkatapos nito, nagsimula siyang magsalita ng masama at nanumpang, “Hindi ko kilala ang lalaking iyan,” at agad-agad tumilaok ang tandang.