Numbers 5:29
Ito ay ang batas ng pagseselos. Ito ay ang batas para sa isang babaeng lumayo mula sa kaniyang asawa at nadungisan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 7:11Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
Leviticus 13:59Ito ang batas tungkol sa amag sa isang kasuotan ng lana o lino, o anumang hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang gawa sa balat, para maaari ninyong ipahayag na ito ay malinis o marumi.”
Leviticus 15:32Ito ang mga alituntunin para sa sinumang mayroong tulo ng likido, para sa sinumang lalaki na nilalabasan ng kanyang similya at nagdulot sa kanyang maging marumi,
Numbers 5:15Sa ganitong mga kalagayan, dapat dalhin ng lalaki ang kaniyang asawa sa pari. Dapat magdala ng isang inuming handog ang asawang lalaki para sa kaniyang asawa. Dapat magdala siya ng isang ikasampu ng isang epa ng sebadang harina. Dapat hindi niya ito buhusan ng langis o kamanyang dahil ito ay isang handog na butil ng pagseselos, isang handog na butil na maaaring tagaturo ng kasalanan.
Isaiah 5:7Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.