Numbers 5:7
Kung gayon, dapat niyang aminin ang kasalanang kaniyang nagawa. Dapat niyang ganap na bayaran ang halaga ng kaniyang pagkakasala at dagdagan ang halaga ng higit sa ikalimang bahagi. Dapat niyang ibigay ito sa isang taong nakagawan niya ng kamalian.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:5Kapag nagkasala ang isang tao sa anumang mga bagay na ito, dapat ipagtapat niya ang anumang kasalanan na kaniyang nagawa.
Leviticus 5:16Dapat niya bigyan ng kasiyahan si Yahweh para sa kaniyang nagawang mali kaugnay sa kung ano ang banal, at dapat niya itong dagdagan ng ikalima at ibigay ito sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng kabayaran sa kasalanan para sa kanya kasama ang lalaking tupa na handog na pambayad kasalanan, at patatawarin ang taong iyon.
Leviticus 6:5O kung nagsinungaling siya tungkol sa anumang bagay, dapat niyang ibalik ito nang buo at dapat dagdagan ng ikalima para bayaran siya na kung kanino ito inutang, sa araw na nakitaan siya na may kasalanan.
Leviticus 26:40Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
Job 33:27Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
Proverbs 28:13Ang isa na nagtatago ng kaniyang mga kasalanan ay hindi yayaman, ngunit ang nagpapahayag at nagpapabaya sa kanila ay pakikitaan ng habag.