Numbers 6:15
Dapat magdala rin siya ng isang buslo ng tinapay na ginawa na walang pampaalsa, mga tinapay ng pinong harina na hinaluan ng langis, mga wafer na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, kasama ang kanilang handog na butil at mga handog na inumin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:2tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis. At saka kumuha ka ng apa na walang lebadurang pinahiran ng langis. Gawin mo ang mga apa gamit ang pino na trigong harina.
Leviticus 7:12Kung sinuman ang maghahandog nito para magbigay ng mga pasasalamat, kung gayon dapat niya ihandog ito kasama ng isang alay na mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit hinaluan ng langis, mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit pinahiran ng langis, at ang mga tinapay na ginawa gamit ang pinong harina na hinaluan ng langis.
Leviticus 9:4kumuha rin ng isang bakang lalaki at isang tupang lalaki para sa mga handog para sa kapayapaan para ialay sa harapan ni Yahweh, at isang handog na pagkaing butil na hinaluan ng langis, dahil sa araw na ito magpapakita sa inyo si Yahweh.'”
Numbers 15:3at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
Numbers 15:10Dapat kayong maghandog bilang inuming handog ng kalahating hin ng alak, bilang isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
Joel 1:9Ang butil na handog at inuming handog ay pinahinto sa tahanan ni Yahweh. Nagdadalamhati ang mga paring lingkod ni Yahweh.