Numbers 6:20
Dapat itaas ng pari ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at idulog ang mga ito sa kaniya. Ito ay banal na pagkain na nakalaan para sa pari, kasama ang dibdib na itinaas at ang hita na inihandog. Pagkatapos nito, maaari nang uminom ng alak ang Nazareo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:27Dapat mong ihandog sa akin ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita— dibdib na itinaas at ang hita na ipinakita, kapwa nanggaling sa lalaking tupa para sa pagpapatunay kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin.
Leviticus 7:31Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, pero ang dibdib ay ikakaloob kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
Leviticus 7:34Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel.
Leviticus 10:15Ang hita na isang handog na inialay kay Yahweh at ang dibdib na bahagi na itinaas bilang isang handog—dapat nilang dalhin ang mga iyon kasama ng mga handog na taba na ginawa sa pamamagitan ng apoy, para itaas ang mga ito at idulog bilang isang handog kay Yahweh. Magiging sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki na kasama mo ang mga ito bilang isang bahagi magpakailanman ayon sa iniutos ni Yahweh.”
Numbers 5:25Dapat kumuha ang pari ng handog na butil ng pagseselos mula sa kamay ng babae. Dapat niyang itaas ang handog na butil sa harap ni Yahweh at dalhin ito sa altar.
Psalms 16:10Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.