Obadias 1:16
Sapagkat kung paano kayo uminom sa aking banal na bundok, ganoon patuloy na iinom ang lahat ng bansa. Iinom sila, at lulunok, at para bang hindi sila kailanman nabuhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 8:9Madudurog kayong mga tao ng pira-piraso. Makinig, kayong malalayong bansa: maghanda kayo para sa digmaan at kayo ay dudurugin ng pira-piraso. Ihanda ang inyong sarili at kayo ay dudurugin.
Isaiah 42:14Nanahimik ako ng mahabang panahon; ako ay hindi kumibo at nagpigil sa sarili; ngayon iiyak ako gaya ng isang babaeng nanganganak; ako ay maghahabol ng hininga at hihingalin.
Isaiah 51:22Ang iyong Panginoong si Yahweh, na iyong Diyos, na nakikiusap para sa kapakanan ng kaniyang bayan, ay sinasabi ito, “Tingnan mo, kinuha ko ang kopa ng pagsuray mula sa iyong kamay—ang kopa ng tasa ng aking galit—para hindi mo na ito iinumin muli.
Jeremiah 25:27Sinabi ni Yahweh sa akin, “Ngayon kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Si Yahweh na pinuno ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, sinasabi niya ito: Uminom kayo at malasing, pagkatapos ay sumuka, bumagsak, at huwag babangon bago ang espada na ipadadala ko sa inyo.'
Jeremiah 49:12Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, ang mga hindi nararapat dito ay dapat uminom ng kaunti sa tasa. Iniisip ba ninyo na aalis kayo ng walang kaparusahan? Hindi, sapagkat tiyak na iinom kayo.
Joel 3:17“Upang malaman ninyo na ako si Yahweh ang inyong Diyos na nananahan sa Zion, sa aking banal na bundok. At magiging banal ang Jerusalem, at wala nang hukbo ang muling sasalakay pa sa kaniya.