Obadiah 1:7
Ang lahat ng kalalakihan na iyong kaanib ay ipadadala ka sa hangganan ng daraanan. Nilinlang ka ng mga taong kasundo mo, at nanaig sila laban sa iyo. Ang mga kumain ng iyong tinapay ang naglagay ng bitag sa ilalim mo. Walang pang-unawa sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Paano nawasak si Esau at nakita ang kaniyang mga nakatagong kayamanan!
Cross References
Psalms 41:10Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko sila.
Isaiah 19:11Ganap na hangal ang mga prinsipe ng Soan. Naging walang kabuluhan ang payo ng pinakamatalinong taga-payo ng Paraon. Paano mo nasasabi sa Paraon, “Ako ang anak ng matatalinong tao, isang anak ng sinaunang mga hari”?
Jeremiah 4:30Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo? Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak ng gintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda ang iyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.
Jeremiah 30:14Kinalimutan ka na ng lahat ng iyong mga mangingibig. Hindi ka nila hahanapin sapagkat sinugatan kita kagaya ng sugat ng isang kalaban at pagdidisiplina ng isang malupit na panginoon dahil sa iyong napakaraming kasamaan at mga hindi mabilang mong mga kasalanan.
Jeremiah 49:7Tungkol sa Edom, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Wala na bang karunungan na matatagpuan sa Teman? Naglaho na ba ang magandang payo mula sa mga may pang-unawa? Nawala na ba ang kanilang karunungan?
Ezekiel 23:22Kung gayon, Oholiba, ito ang sinasabi ng Panginoon Yahweh, 'Masdan ninyo, papatalikurin ko ang iyong mangingibig laban sa iyo, dadalhin ko sila laban sa iyo mula sa bawat dako!