Philemon 1:14
Ngunit ayaw kong gumawa ng anumang bagay na wala ang iyong pahintulot. Ginawa ko ito para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 29:17Alam ko rin, aking Diyos, na iyong sinusuri ang puso at nalulugod sa katuwiran. Para sa akin, sa katapatan ng aking puso, kusang-loob kong inihandog ang lahat ng mga bagay na ito at nagagalak akong tumitingin sa iyong mga tao na narito na kusang-loob na naghahandog sa iyo.
1 Corinthians 9:7Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim sa ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? O sino ang nag-aalaga ng kawan at hindi umiinom ng gatas mula sa mga ito?
2 Corinthians 1:24Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.
2 Corinthians 9:5Kaya naisip ko na kinakailangan na himukin ang mga kapatid na pumunta sa inyo at maunang gumawa ng mga kasunduan para sa kaloob na ipinangako ninyo. Ito ay para maging handa bilang isang biyaya, at hindi sapilitan.
Philemon 1:8Kaya kahit na mayroon akong lahat ng katapangan kay Cristo na utusan ka kung ano ang dapat mong gawin,