Philippians 1:4
Sa bawat panalangin ko para sa inyong lahat, palagi akong nananalangin nang may kagalakan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Always in every prayer of mine for you all making request with joy,
In Context
3Nagpapasalamat ako sa aking Diyos sa bawat ala-ala ninyo.
5Nagpapasalamat ako sa inyong pakikiisa sa ebanghelyo mula sa unang araw hanggang sa ngayon.
Cross References
Luke 15:7Sinasabi ko sa inyo na gayon din, magkakaroon ng kagalakan sa langit sa isang makasalanang nagsisisi, higit pa sa siyamnapu't siyam na taong matuwid na hindi kailangang magsisi.
Romans 1:9Sapagkat ang Diyos ang aking saksi, na pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa ebanghelyo ng kaniyang Anak, kung paano ko kayo laging binabanggit sa kaniya.
Philippians 1:9At ipinapanalangin ko ito: na ang inyong pag-ibig ay lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pang-unawa.
Philippians 3:18Marami ang lumalakad, sila ang mga madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon sinasabi ko sa inyo na may kasamang pagluha—marami ang lumalakad bilang mga kaaway ng krus ni Cristo.
Colossians 2:5At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
1 Thessalonians 2:19Sapagkat ano ba ang aming inaasahan sa hinaharap, o kagalakan, o korona ng pagmamalaki sa harapan ng ating Panginoong Jesus sa kaniyang pagdating? Hindi ba't kayo at ang iba?