Philippians 2:9
Kung kaya't lubos siyang itinaas ng Diyos. Siya ay binigyan niya ng pangalan na nakahihigit sa lahat ng pangalan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Wherefore God also hath highly exalted him, and given him a name which is above every name:
In Context
8Ibinaba niya ang kaniyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan, ang kamatayan sa krus.
Cross References
Genesis 3:15Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.”
Psalms 8:5Gayumpaman ginawa mo sila ng mababa ng kaunti kaysa sa mga nilalang sa kalangitan at kinoronahan sila ng may kaluwalhatian at karangalan.
Psalms 69:29Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
Psalms 89:27Gagawin ko rin siyang panganay kong anak na lalaki, ang pinaka-tinatanghal sa mga hari ng lupa.
Psalms 110:1Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”
Isaiah 9:7Sa paglawak ng kaniyang kapamahalaan, mananatili ang kapayapaan, habang siya ay nakaluklok sa trono ni David, sakop ang kaniyang kaharian, patatatagin niya at panatilihin ito nang may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Ang kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo ang tutupad nito.