Philippians 3:13
Mga kapatid, hindi ko iniisip na natanggap ko na ito. Ngunit mayroong isang bagay, kinakalimutan ko kung ano ang nakalipas at pinagsisikapan ko kung ano ang nasa hinaharap.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Nagpatuloy ako sa layunin upang makamit ang gantimpala ng pagkatawag ng Diyos, kay Cristo Jesus.
Cross References
Psalms 27:4Isang bagay ang aking hiniling kay Yahweh, at iyon ay aking hahanapin: na ako ay mananahan sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ng aking buhay, para makita ang kagandahan ni Yahweh at para magnilay-nilay sa kanyang templo.
Luke 9:62Ngunit si Jesus ay sumagot sa kaniya, “Walang sinumang naglagay ng kaniyang mga kamay sa araro at tumitingin sa likuran, ang karapat-dapat para sa kaharian ng Diyos.”
Romans 15:23Ngunit ngayon, wala na akong iba pang lugar sa mga lupaing ito, at inaasam ko ng maraming taon na makapunta ako sa inyo.
2 Corinthians 5:16At dahil dito, mula ngayon, hindi na natin hahatulan ang sinuman ayon sa batayan ng tao, kahit na noong simula ay ganoon din ang ating pagtingin kay Cristo. Ngunit ngayon hindi na tayo tumitingin sa kanino man sa ganitong paraan.
Philippians 2:12Kaya, mga minamahal ko, tulad ng inyong palaging pagsunod, hindi lamang sa panahong kasama ninyo ako, ngunit mas higit pa ngayong hindi ninyo ako kasama, pagsikapan ninyo ang inyong kaligtasan nang may takot at panginginig.
Philippians 3:12Hindi totoo na natanggap ko na ang mga bagay na ito, o ako ay naging isang ganap. Ngunit nagsumikap ako upang aking matanggap ang anumang natanggap ko sa pamamagitan ni Cristo Jesus.