Philippians 3:5
Tinuli ako noong ika-walong araw. Ipinanganak ako sa lahi ng Israel, sa lipi ni Benjamin. Ipinanganak akong isang Hebreo ng mga Hebreo. Bilang paggalang sa kautusan, ipinanganak akong isang Pariseo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Masigasig kong inusig ang iglesiya. Bilang paggalang sa katuwiran ng batas, wala akong sala.
Cross References
Genesis 17:12Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan.
Genesis 41:12Doon kasama namin ang isang binatang Hebreo, na isang lingkod ng kapitan ng mga bantay. Sinabi namin sa kaniya at pinaliwanag niya sa amin ang aming mga panaginip. Ipinaliwanag niya sa bawat isa sa amin na ayon sa aming panaginip.
Jonah 1:9Sinabi ni Jonas sa kanila, “Ako ay isang Hebreo; at kinatatakutan ko si Yahweh, ang Diyos ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupa.”
Luke 2:21Noong ikawalong araw at siyang panahon para tuliin ang sanggol, pinangalanan nila siyang Jesus, ang pangalan na ibinigay ng anghel bago pa siya ipinagbuntis.
John 7:21Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gumawa ako ng isang bagay, at namangha kayo dahil dito.
Acts 22:3“Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong.