Philippians 3:9
at matagpuan ako sa kaniya. Wala akong katuwiran sa aking sarili mula sa kautusan. Sa halip, mayroon akong katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang mula sa Diyos ayon sa pananampalataya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 7:23Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira.
Deuteronomy 27:26'Nawa'y isumpa ang taong hindi magpatunay sa mga salita ng kautusang ito, para sundin ang mga ito.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
2 Chronicles 32:25Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.
Job 9:28ako ay maaring matakot sa lahat ng aking mga kalungkutan dahil alam ko na hindi mo isaalang-alang na ako ay walang sala.
Job 15:14Ano ang tao na siya ay dapat maging malinis? Ano siya na ipinanganak ng isang babae na dapat maging matuwid?
Psalms 14:3Ang lahat ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti, wala, kahit isa.