Philippians 4:8
Sa wakas, mga kapatid, anumang mga bagay na totoo, marangal, makatarungan, dalisay, kaibig-ibig, may mabuting ulat, kung may mga bagay na mahusay at dapat papurihan, isipin ang mga bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 16:20Dapat ninyong sundin ang katarungan, sa katarungan lamang, para kayo ay maaaring mamuhay at manahin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
2 Samuel 1:23Si Saul at Jonatan ay minahal at mapagmahal sa buhay, at sa kanilang kamatayan sila ay hindi ipinaghiwalay. Sila ay mas mabilis kaysa sa mga agila, mas malakas kaysa sa mga leon.
Psalms 82:2Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? Selah
Proverbs 12:4Ang isang karapat-dapat na asawang babae ay korona ng kaniyang asawang lalaki, ngunit ang babaeng nagdadala nang kahihiyan ay tulad ng isang sakit na sumisira ng kaniyang mga buto.
Proverbs 20:7Ang taong gumagawa ng tama ay naglalakad sa kaniyang dangal, at ang kaniyang mga anak na lalaki na sumusunod sa kaniya ay masaya.
Proverbs 31:29“Maraming mga babae ang gumawa ng mabuti, ngunit hinihigitan mo silang lahat.”