Proverbs 1:12
Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Let us swallow them up alive as the grave; and whole, as those that go down into the pit:
In Context
Cross References
Numbers 26:10Ibinuka ng lupa ang bibig nito at nilamon sila kasama si Kora nang mamatay ang lahat na kaniyang tagasunod. Sa panahong iyon, nilamon ng apoy ang 250 na kalalakihan, na naging isang babalang tanda.
Psalms 28:1Sa iyo, Yahweh, ako ay umiiyak; aking malaking Muog, huwag mo akong pabayaan. Kung hindi mo ako tutugunan, mabibilang ako sa mga bumababa sa libingan.
Psalms 56:1Maawa ka sa akin, o Diyos, dahil may naghahangad na lamunin ako; buong araw ay nilalabanan niya ako at inaapi.
Psalms 124:3tiyak lalamunin nila tayo ng buhay nang sumiklab ang kanilang matinding galit laban sa atin.
Jeremiah 51:34Sinasabi ng Jerusalem, 'Nilamon ako ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Piniga niya ako hanggang sa matuyo at ginawa niya akong banga na walang laman. Nilunok niya ako na tulad ng isang dragon. Binusog niya ang kaniyang tiyan ng masarap kong pagkain at ako ay kaniyang isinuka.'
Lamentations 2:16Lahat ng inyong mga kaaway ay bubuksan ang kanilang mga bibig at kukutyain kayo. Sisipol sila at nagngangalit ang kanilang mga ngipin; sinasabi nila, “Nilamon namin siya! Tunay na ito ang araw na ating hinihintay! Nakita natin ito!”