Proverbs 1:19
Ganoon din ang mga paraan ng lahat na nagtamo ng kayaman sa pamamagitan ng hindi makatarungan; ang hindi makatuwirang pagtamo ay nag-aalis ng buhay sa mga kumakapit dito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:25Pagkatapos sinabi ni Josue, “Bakit mo kami ginulo? Guguluhin ka ni Yahweh sa araw na ito.” Binato siya ng buong Israel. At sinunog nila silang lahat, at binato nila sila.
2 Kings 5:20Hindi pa siya nakakalayo sa kaniyang paglalakbay nang si Gehazi lingkod ni Eliseo na lingkod ng Diyos ay sinabi sa kaniyang sarili, “Kinaawaan ng panginoon ko si Naaman na Aramean sa pamamagitan ng hindi pagtanggap ng mga regalo mula sa kamay niya na kaniyang dinala. Hangga't nabubuhay si Yahweh, hahabulin ko siya at tatanggap ako ng anumang bagay mula sa kaniya.”
Psalms 7:16Ang kaniyang sariling mapanirang mga balak ay babalik din sa kaniya, dahil ang kaniyang kasamaan ay babagsak sa sarili niyang ulo.
Proverbs 23:3Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan.
Ecclesiastes 5:13Mayroon isang malubhang kasamaan na aking nakita sa ilalim ng araw: mga kayamanang inimbak ng may-ari, nagdudulot ng sarili niyang kapighatian.
Micah 2:1Aba sa mga nagbabalak ng kasamaan, sa mga nagbabalak sa kanilang higaan na gumawa ng masama. Isinasagawa nila ito sa pagliwanag ng umaga dahil mayroon silang kapangyarihan.