Proverbs 11:6
Ang matuwid na pag-uugali ng mga nakalulugod sa Diyos ang siyang nag-iingat sa kanila, pero ang taksil ay nabitag ng kanilang sariling mga pagnanasa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 30:33Ang aking katapatan ang magpapatunay para sa akin kalaunan, kapag pupunta ka para tingnan ang aking kabayaran. Lahat na mga walang batik, walang dungis sa mga kambing, at itim sa mga tupa, kung mayroon mang makita na nasa akin, ay ituturing na ninakaw.”
1 Samuel 12:3Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.”
1 Kings 2:44Sinabi rin ng hari kay Semei, “Alam mo sa iyong puso ang lahat ng kasamaan na ginawa mo sa aking ama na si David. Kaya ibabalik ni Yahweh ang kasamaan mo sa iyong sarili.
Proverbs 5:22Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit.