Proverbs 13:2
Mula sa bunga ng kaniyang bibig, sa mga mabubuting bagay ang isang tao ay nasisiyahan, pero ang gana ng taksil ay para sa karahasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Ang matalinong anak ay nakikinig sa tagubilin ngunit ang manunuya ay hindi makikinig sa pagtutuwid.
Cross References
Psalms 75:8Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
Proverbs 1:11Kung kanilang sasabihin na, “Sumama ka sa amin, tayo ay mag-abang upang makagawa ng pagpatay, tayo ay magtago at sugurin ang mga walang malay na mga tao ng walang kadahilanan.
Proverbs 1:31Kakainin nila ang bunga sa kanilang pamamaraan, at sa bunga ng kanilang mga balak sila ay maaaring mabusog.
Proverbs 10:11Ang bibig ng gumagawa ng tama ay isang bukal ng buhay, ngunit ang bibig ng masama ay nagtatago ng karahasan.
Proverbs 12:14Mula sa bunga ng kaniyang mga salita, ang tao ay napupuno ng mabuting mga bagay, tulad ng paggagantimpala ng mga kamayy niyang nagtatrabaho.
Jeremiah 25:27Sinabi ni Yahweh sa akin, “Ngayon kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Si Yahweh na pinuno ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, sinasabi niya ito: Uminom kayo at malasing, pagkatapos ay sumuka, bumagsak, at huwag babangon bago ang espada na ipadadala ko sa inyo.'