Proverbs 15:25
Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mapagmataas, pero pinapangalagaan niya ang ari-arian ng balo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The LORD will destroy the house of the proud: but he will establish the border of the widow.
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:17Dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ay Diyos ng mga diyos at Panginoon ng mga panginoon, ang dakilang Diyos, ang tanging makapangyarihan at ang tanging kinatatakutan, na siyang walang itinatanging sinuman at hindi tumatanggap ng mga suhol.
Job 24:21Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
Psalms 10:14Binigyang pansin mo, dahil lagi mong nakikita ang gumagawa ng paghihirap at kalungkutan. Pinagkakatiwala ng ulila ang kaniyang sarili sa iyo; inililigtas mo ang mga walang ama.
Psalms 52:5Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. Selah
Psalms 138:6Kahit na mataas si Yahweh, sa mga mabababa siya nag-aaruga, pero malayo sa kaniya ang mga mapagmalaki.
Proverbs 12:7Ang masasama ay bumabagsak at naglalaho, pero ang bahay ng mga taong gumagawa ng tama ay mananatili.