Proverbs 16:6
Sa pamamagitan ng katapatan sa kasunduan at pagtitiwala ang pagkakasala ay nabayaran at sa pamamagitan ng takot kay Yahweh, tinatalikuran ng mga tao ang kasamaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
By mercy and truth iniquity is purged: and by the fear of the LORD men depart from evil.
In Context
Cross References
Genesis 20:11Sumagot si Abraham, “Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.'
Leviticus 25:17Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos.
Nehemiah 5:9Sinabi ko rin, “Hindi mabuti ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat kayong lumakad na may takot sa ating Diyos para maiwasan ang paghamak ng mga bansa na mga kaaway natin?
Job 1:1May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
Psalms 85:10Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo, ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa.
Proverbs 8:13Ang pagkatakot kay Yahweh ay para kapootan ang kasamaan — kinapopootan ko ang pagmamataas at kayabangan, ang masamang paraan, at malaswang pananalita — kinapopootan ko sila.