Proverbs 17:11
Ang masamang tao ay naghahanap lamang ng himagsikan, kaya ang isang malupit na mensahero ay ipapadala laban sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
An evil man seeketh only rebellion: therefore a cruel messenger shall be sent against him.
In Context
Cross References
2 Samuel 15:12Habang naghahandog si Absalom ng mga alay, ipinatawag niya si Ahitofel mula sa kaniyang bayang pinagmulan sa Gilo. Tagapayo siya ni David. Matindi ang pakikipagsabwatan ni Absalom, dahil patuloy na dumadami ang mga taong sumusunod kay Absalom.
2 Samuel 18:15Pagkatapos pumaligid ang sampung binatang kalalakihang tagadala ng sandata ni Joab kay Absalom, sinalakay siya at pinatay.
2 Samuel 20:1Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
1 Kings 2:24Kaya ngayon sa kay Yahweh na buhay, na nagtatag at naglagay sa akin sa trono ni David na aking ama, at ang gumawa ng sambahayan sa akin tulad ng ipinangako niya, tiyak na papatayin si Adonias ngayon.”
1 Kings 2:46Kaya inutusan ng hari si Benaias na anak ni Joiada na umalis at patayin si Semei. Kaya ang pamumuno ay matibay na naitatag sa kamay ni Solomon.
Matthew 21:41Sinabi nila sa kaniya, “Pupuksain niya sila na tampalasan na mga tao sa mabagsik na pamamaraan at ang ubasan ay pauupahan sa ibang tagapagpangalaga ng ubasan, sa mga taong magbabayad kapag ang ubas ay mahinog na.”