Proverbs 23:24
Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
25Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
Cross References
1 Kings 1:48Sinabi rin ng hari, 'Pagpalain nawa si Yahweh, na Diyos ng Israel, na nagbigay ng isang tao na mauupo sa aking trono balang-araw, at makita ito ng sarili kong mga mata.'”
1 Kings 2:9Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.”
Proverbs 15:20Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, pero ang mangmang ay namumuhi sa kaniyang ina.
Proverbs 27:11Maging matalino, aking anak, at gawin mong masaya ang aking puso; pagkatapos sasagot ako sa taong kumukutya sa akin.
Ecclesiastes 2:19At sino ang nakakaalam kung siya ay magiging matalinong tao o isang mangmang? Gayunman siya ay magiging panginoon sa lahat ng bagay sa ilalim ng araw kung saan naitayo ang aking gawa at naitatag ang aking karunungan. Ito rin ay usok.
Philemon 1:20Oo, kapatid, hayaan mo akong magkaroon ng ilang kagalakan sa Panginoon mula sa iyo; pasiglahin mo ang aking puso kay Kristo.