Proverbs 24:12
Kung sinabi mo, “Diyan! Wala kaming alam tungkol dito.” Hindi ba't ang Siyang nagtitimbang ng puso ay naiintindihan kung ano ang sinasabi mo? At Siyang nagbabantay ng iyong buhay, hindi ba niya alam ito? At hindi ba ibibigay ng Diyos sa bawat isa kung ano ang karapat-dapat sa kaniya?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 16:7Ngunit sinabi ni Yahweh kay Samuel, “Huwag kang tumingin sa kanyang panlabas na anyo, o sa taas ng kanyang tindig; dahil tinanggihan ko siya. Sapagka't hindi tumitingin si Yahweh katulad nang pagtingin ng tao; sa panlabas na anyo tumitingin ang tao, ngunit sa puso tumitingin si Yahweh.”
Job 34:11Dahil kaniyang binabayaran ang gawa ng isang tao; pinapatanggap niya sila ng gantimpala sa kanilang sariling mga pamamaraan.
Psalms 17:3Kung susubukin mo ang puso ko, kung daratnan mo ako sa gabi, lilinisin mo ako at wala kang makikitang anumang masamang balakin; ang bibig ko ay hindi magkakasala.
Psalms 62:12Gayundin sa inyo, Panginoon, nauukol ang katapatan sa tipan, dahil binabayaran mo ang bawat tao kung ano ang kaniyang ginawa.
Psalms 121:3Hindi niya papayagang madulas ang paa mo; siya na nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip.
Proverbs 5:21Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao at pinanonood ang lahat ng landas na kaniyang tinatahak.