Proverbs 24:28
Huwag kang sumaksi laban sa iyong kapwa nang walang dahilan at huwag kang manlinlang gamit ang iyong mga labi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Be not a witness against thy neighbour without cause; and deceive not with thy lips.
In Context
Cross References
Exodus 20:16Hindi kayo dapat magbigay ng maling patotoo laban sa iyong kapwa.
1 Samuel 22:9Pagkatapos si Doeg na taga-Edom ay tumayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, sumagot siya, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na pumunta sa Nob kay Ahimelec na anak na lalaki ni Ahitub.
Job 2:3Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan.”
Psalms 35:11Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
Proverbs 14:5Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit ang huwad na saksi ay nabubuhay sa kasinungalingan.
Proverbs 19:9Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan.