Proverbs 27:21
Ang tunawan ng bakal ay para sa pilak at ang isang hurno ay para sa ginto, at nasusubok ang isang tao kapag siya ay pinuri.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
As the fining pot for silver, and the furnace for gold; so is a man to his praise.
In Context
Cross References
1 Samuel 18:7Nag-aawitan ang kababaihan habang tumutugtog; inawit nila: “Pinatay ni Saul ang kanyang libu-libo, at si David ang kanyang sampung libo.”
1 Samuel 18:30Kaya lumabas ang mga prinsipe ng Filisteo para sa digmaan, at sa tuwing lumalabas sila, nagtatagumpay si David kaysa sa lahat na mga lingkod ni Saul, kaya ang kanyang pangalan ay binigyan ng mataas na paggalang.
2 Samuel 15:6Kumilos si Absalom sa ganitong paraan sa buong Israel na pumupunta sa hari para sa paghahatol. Kaya nakuha ni Absalom ang mga puso ng kalalakihan ng Israel.
Psalms 12:6Ang mga salita ni Yahweh ay dalisay, katulad ng pilak na dinalisay sa pugon sa lupa, na tinunaw ng pitong beses.
Proverbs 17:3Ang tunawan ng metal ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit dinadalisay ni Yahweh ang mga puso.
Malachi 3:3Uupo siya upang mamuno bilang isang tagapaglinang at tagapagdalisay ng pilak at dadalisayin niya ang mga anak na lalaki ni Levi. At lilinangin niya silang katulad ng ginto at pilak at magdadala sila ng mga alay ng katuwiran kay Yahweh.